Ang Ebanghelyo (The Gospel)
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya
ang kanyang bugtong na anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay
hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Juan kabanata tatlo, talata labing-anim.
Bakit kailangan nating maniwala kay Hesus? Sa Juan kabanata labing-apat,
talata anim, sinabi ni Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay.
Walang makararating sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”
Sa Genesis kabanata dalawa, talata labing-pito: “Mula sa bawat puno sa
halamanan, maaari kang kumain. Ngunit mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at
masama ay huwag kang kakain; sapagkat sa araw na ikaw ay kumain nito, tiyak
kang mamamatay.”
Sa Roma kabanata lima, talata labing-dalawa: “Kung paanong pumasok ang
kasalanan sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao at ang kamatayan sa
pamamagitan ng kasalanan, at sa ganitong paraan lumaganap ang kamatayan sa
lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala.” Ang kasalanan ang naghiwalay sa
atin sa Diyos.
Sa Levitico kabanata apat, talata tatlumpu't lima: “Naghandog sila ng hayop
bilang pansamantalang pantakip sa kasalanan upang maibalik ang relasyon ng
tao sa Diyos.” Pero hindi iyon perpektong dugo. Ang dugo lang ni Hesus, ang
Kordero ng Diyos, ang perpektong sakripisyong nag-alis ng sumpa.
Ano ang dapat mong gawin? Tanggapin mo ang kaloob ng kaligtasan. Sapagkat
ang sinumang sumasampalataya kay Hesus ay hindi mapapahamak kundi
magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Sa Roma kabanata sampu, talata siyam hanggang sampu: “Kung ipahahayag mo sa
iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at sasampalataya ka sa iyong puso na
siya'y ibinangon ng Diyos mula sa mga patay, maliligtas ka.” Ihayag mo sa
Diyos na ikaw ay nagkasala. Maniwala ka na pinatawad ka na ni Hesus. At ang
Banal na Espiritu ang magbibigay sa iyo ng lakas upang lumayo sa kasalanan.
Sa Lucas kabanata tatlo, talata labing-anim: “Ako'y nagbabautismo sa tubig,
ngunit siya na darating ay higit na makapangyarihan kaysa sa akin... Siya
ang magbabautismo sa inyo sa Banal na Espiritu at apoy.”
Sa Mateo kabanata labing-isa, talata dalawampu't walo hanggang
dalawampu't siyam: “Lumapit kayo sa akin, kayong napapagod at
nabibigatan, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang
aking pamatok at matuto kayo sa akin; sapagkat ako'y maamo at
mababang-loob, at makasusumpong kayo ng kapahingahan sa inyong mga
kaluluwa.”
Ang Ebanghelyo, Mabuting Balita. Tayo na dating hiwalay sa
Diyos ay naipagkasundo sa pamamagitan ng dugo ni Kristo. At ngayon, tayo
ay kabilang na sa pamilya ng Diyos.